Narito ang mga nangungunang balita ngayong December 24, 2024

- Mga biyahero, nagpalipas ng magdamag sa pantalan para hindi ma-late sa kanilang biyahe | Mga Pa-Cagayan De Oro, sa barko na aabutan ng Pasko; susulitin na lang ang bakasyon hanggang Bagong Taon | Philippine Ports Authority, naka-heightened alert na; full manpower at no leave policy para sa frontliners, ipinatutupad din | Biyaheng Cebu at Tagbilaran, Bohol, inaasahang makakaalis ng 8 am sa Manila Northport Terminal

-Ilang biyahero, nagpalipas ng magdamag sa pantalan para makaiwas sa matinding traffic | Ilang biyahero, sa barko na magdiriwang ng Noche Buena | Mga biyahero, excited nang makapiling ang kanilang pamilya sa Pasko at Bagong Taon

- Mga pasahero sa NAIA Terminal 3, patuloy ang pagdating | Mga maghahatid sa mga biyahero sa NAIA, hindi maaaring magtagal ng mahigit 3 minuto

- Ilang pasaherong lilipad sa iba't ibang destinasyon, maagang pumunta sa paliparan | Seguridad sa loob ng NAIA, nananatiling mahigpit | Ilang pasahero, hindi naka-board sa kanilang flight dahil sa mahabang pila sa security check; 3 x-ray machine lang ang gumana

- Christmas shoppers, kaniya-kaniyang diskarte sa kanilang last minute shopping | Mga mamimili at motorista, iniinda ang matinding traffic dulot ng holiday rush

- Mahigit 116,000 na mga turista, bumisita sa Boracay ngayong Holiday season | Malay Tourism Office: Mga turista, inaasahang darami pa sa mga susunod na araw | Incident management team, naka-deploy para matiyak ang seguridad ng mga turista | Malay LGU: Fireworks display at parties, ilan sa mga aktibidad na puwedeng ma-enjoy ng mga turista sa Boracay

- Sitwasyon ng trapiko sa NLEX ngayong Bisperas ng Pasko

- Panayam kay DOH Spokesperson Asec. Albert Domingo kaugnay sa pag-aalis ng purchase booklet requirement sa senior citizens at iba pang isyu

- PBBM at ilang miyembro ng Gabinete, nagpulong para balikan ang 2025 budget na aprubado ng Bicam | Tinapyasang budget para sa edukasyon, pagbabalik ng pondo sa AKAP, at zero subsidy ng PhilHealth, kabilang sa mga binubusisi | Reenacted budget, hindi makabubuti sa ekonomiya, ayon sa eksperto | Malacañang: Pipirmahan ang 2025 budget bago matapos ang 2024

- Panayam kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo kaugnay sa pagbabantay ng seguridad ngayong Pasko

- Ilang deboto, naniniwalang matutupad ang mga hiling kapag nakompleto ang Simbang Gabi | Ilang mamimili, maagang pumila para bumili ng ham na ihahanda sa Noche Buena

Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).

For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.